" it doesn't sink to me at first ..
as my mind is so feeble that the thought of HER going to leave ,
is so much difficult to deal with .
as i reminisce at the endless horizon of our memories ..
i cant help but to weep
because WE will not just lose an outstanding teacher but also an awesome MOTHER ..
whew ! MOMMY would kill me for doing this .
isa siyang makata . as we all say ..
and because i appreciate the language she teaches us .
i will write in TAGALOG :)) [ i mean taglish hehe . ]
so before anything else happen ....
noong una akala ko masungit siya . nagpapalabas siya ng students kapag walang dalang libro , walang assignment or may magawang kasalanan, kaya nga laki ng takot ko sakanya noon e . pero siguro noong una lang iyon . siguro dahil ganoon ang naging first impression namin sakanya . at iba rin ang naging first impression niya sa amin , siguro akala niya katulad kami ng iba . at siguro inakala rin namin na katulad din siya ng ibang teachers . kung ano man ang inisip niya noon , siya lang ang maaring makapagsabi pero siguro ibang iba na iyon ngayon . siguro ngayon sapat na ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata upang mapatunayan ko na ESPESYAL kami para sakanya . at siguro sapat narin ang maraming likidong dumaloy sa aming mga pisngi para maramdaman niyang MAHAL na MAHAL namin siya ..noong una talaga hindi ko pa naramdaman na may balak siyang lumisan , kahit noong umiyak siya di ako nakaramdam ng lungkot . parang ayokong maniwala,hindi pa ako handa . sa dami ng masisiglang halakhakan, hagikgikan at tawanan sa dami ng mga masasayang alaala na pinagdaanan at iiwan niya para sa amin ang hirap . marami pa kaming plano na magkakasama na parang bigla lahat gumuho nang sabihin niyang aalis na siya, ang sakit .. kabisado na nga namin ang isat isa e. pero noong isang beses na nagtuturo siya tinitigan ko siya . napaisip rin ako .. paano na kami kung wala na siya? oo sabihin na natin na kaya naming puntahan ang bahay niya kahit anong oras . pero iyong thought na sa isang buong araw wala kaming makakausap na masasabihan namin ng mga problema, iyong teacher na iniidolo namin pagdating sa pagtuturo , iyong nanay namin na kahit na hoping parin kaming maging anak niya e ipinaglalaban kami . napaiyak ako. sa ngayon hindi ko maintindihan kung bakit ang daming insensitive na tao sa mundo para hindi siya maintindihan . pero alam ko kung ano man iyong pinili niya alam kong magiging masaya siya doon at alam ko nahihirapan din naman siya .
siguro may mga bagay talagang di-inaasahan
may mga bagay na dapat magtapos ..
kahit ayaw mo
walang makapagsasabi kung saan ang hangganan .
" are we really destined to be leave behind by someone whom we love most ? "
-- for 31 --

